Photobucket Pangarap lang kita. | I WILL ROCK YOUR WORLD

Nakaranas ka na bang makakita ng isang taong pakiramdam mong napakalayo? Pero sobrang lapit lang naman niya sa’yo. Patuloy lang ba siyang magiging pangarap?

Hindi naman natin maiiwasan na gustuhin yung taong naging “apple of the eye” natin. Pero sa kadahilanang siya na ata ang “perfect type specimen of manhood”, medyo may kahirapan siyang ma-reach. Kaya ito ka, nananatiling parang fanatic ng buhay niya. Tinalo pa ang tweeter sa pagiging updated ng buhay niya. Tapos masasaktan ka kapag may lovelife issue na siya. Nakakalungkot. Nakakapanghina. Masakit. Pero ito ang katotohanan ng buhay. May mga bagay na kahit gaano mo pa ipaglaban at isiksik ang sarili mo, ay wala kang response na natatanggap mula sa bagay na ‘yon. At ayun ang dapat mong tanggapin. Hindi naman masamang magkagusto o magmahal. Matuto lang tayong maging matapang sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa huli. To win or to lose.