AT alam naman ng karamihan kung anong pakiramdam niyan. SA relasyon, oo masakit. Pero yung iwan ka ng tatlong kaibigan mo sa gitna ng MORAYTA ISETANN!!! Nakakainis na nakakaiyak lang. Akala ko pipigilan nila kong umuwi, nung magbabayad na ko ng tiket sa LRT wala palang nakasunod sa’kin! Letsugas Petchay Golay!!! At bigla akong tinext na pumunta daw ako sa foodcourt. So kahit pasakay na ko, bumaba pa ko. Pinayagan pa ko lumabas ng guard kahit di mag-swipe ng tiket. AT ito pa, naikot ko na ata buong isetann, di ko sila nakita. Anak ng! At dito na nagsunod-sunod kamalasan ko.
Hanggang ngayon, Naiinis pa din ako. Iwan ka ba naman ng kaklase mo sa hindi mo kabisadong lugar eh. Nakakaloko lang.